Masasabi ko, adik na talaga ako sa Twitter, Facebook, at Tumblr. May account ako sa tatlong networking sites na ito, at halos minu-minuto ay inaupdate ko ang mga entries at maging ang status na aking inilalagay. Paggising sa umaga, kaulayaw ko na ang aking laptop at agad na binubuksan ang internet upang itsek ang notifications sa Facebook at mention sa Twitter. Ito ang nagbibigay kalipay sa aking araw. At ngayon, prinamis ko na maguupdate sa aking blog at kaya naman, isusulat ko kung anuman ang iniisip ko.
Talaga nga naman, binababago ng teknolohiya ang ating buhay. Pinapaliit nito ang ating mundo. Pinapalawak nito ang sakop ng ating pagiging social being. Sa aking pananaw ay mabuti ito, at least, nakakabuti sa akin. Inaamin ko namang hindi talaga ako palakaibigan. Ngunit dahil sa mga networking sites, nakakatagpo ako ng mga kaibigan, na kahit hindi ko man kabigin na panghabambuhay, ay nakakatulong sa akin kung paano makikitungo sa ibang tao.
Masaya ako na mayroon akong 271 na tagasunod sa Twitter. Or at least, lima sa kanila ay talagang naestaablish na ang aming komunikasyon. Hindi ko man sila gaanong kilala ngunit masaya naman ang pagpapalitan ng mga usapan. Sa Facebook naman, mayroon akong 300 higit na mga kaibigan na ang ilan ay hindi ko talaga personal na kilala. Pero ang maganda doon ay nagkakalapit kaming muli ng aking mga kaklase sa elementarya, at dating mga kaibigan sa hayskul at college. Masaya ang pagbabalik tanaw ng mga tagpo ng nakalipas. Sa aking Tubmlr account, mayroon akong 10 tagasunod. Konti lamang ang gumagamit ng Tumblr dito sa 'Pinas at ang magkaroon ng sampung followers ay malaki na. Maligaya na rin ako dun.
Mayroong mabuti at hindi mabuting dulot ang internet. Pero para sa akin, as long as nakakadagdag ito sa akin ng mga kaibigan, masasabi ko na nakakabuti ito sa akin. Alam ko naman kung paano ito kontrolin at alam ko rin na hinding hindi mapapalitan ang mga tunay na kaibigan--yung mga taong nakikita mo mismo at nadarama ang kanilang malasakit sa oras ng pangangailangan.
No comments:
Post a Comment