Tuesday, June 8, 2010

Daray-ahan: Ang Maikling Kuwento na Hindi Natapos


 May mga kuwento ang puso na hindi maaaring isalaysay ng panulat.  Kahit ano mang pilit ng isipan na ihabi ang pangyayari ay tila ginagapos ito ng kadena na nagpapasagabal sa paghulag ng kamay upang buuin ang sugidanun na matagal nang kinikimkim ng kasing-kasing.   Marahil dala ng kapalaran o takot na baka husgahan ng ibang tao.  Dahil ang paghigugmang ito, o kung masasabi ngang gugma, ay tumubo sa isang hindi pangkaraniwang pagkakataon, sa isang hindi inaasahang panahon.
Sa tuwing dapithapon, bumababa ako sa daray-ahan upang saksihan ang paglubog ng araw.  Habang binabaybay ang malapad at mabatong dalampasigan, pinahihintulutan ko naman ang aking diwa na sisirin ang kailaliman ng mga pangarap at handurawan na lumulunod sa aking puso.  Doon humihinto ang oras.  Sa isang alaala na hanggang ngayon ay nagiging sariwa dahil sa dapya at talsik ng alon na humahalik sa aking mga paa.  Ang bawat tilamsik nito’y mga halik na hanggang ngayon ay nagapabilin sa aking pisngi, sa aking labi. Isang taon na ang nakakaraan subalit ako’y nandito pa rin sa kanya naghihintay sa daray-ahan ng Casay.

No comments:

Post a Comment