So this is the first time that I'm writing a blog entry na hindi napapalibutan ng mga books, dictionary, at mga clutters na nagdidistract sa aking pag-iisip habang sumusulat ng magandang isusulat para sa blog na ito. Andito ako sa Global Pinoy SM City kasama ang mga co-teachers at friends. Habang nagdidiskas sila ng mga gagawin para sa 75th anniversary ng aming college, ako naman ay nag-eenjoy sa pagpe-Facebook, Twitter at eto nga, pag-iisip kung ano ang magandang isusulat sa blog. Call me irresponsible.
Honeyways, I spent the whole Sunday bumming around. You may laugh at me pero feeling ko nahohook na talaga ako sa pagrerecord ng sarili kong boses gamit ang aking MP3. Talagang wala na akong magawa sa buhay (hehe.joke lang) lalo na kapag nabobored ako. In retrospect, talaga nga namang walang kakwenta kwenta ang ginawa ko these past few days. Heto at inunumerate ko na lang.
1. Writing DORMERRS. I got my inspiration from a virtual friend who has been writing a series tungkol sa mga tenants na nakatira sa isang boarding house. Nakakaaliw siyang basahin at naisip ko, since I've been a dormer for like six years, bakit hindi ko isusulat ang mga experiences ng isang dormer? Not really my own experiences. You might think that my story is not original, but somehow I drew the peg from someone na nakilala ko lately. Based na rin ang series sa sinulat kong short story na "Ang White Lady sa Calle Anita" na ginawan ng short film ng aking mga students sa Huma Class namin. Very inspiring kasi ang ginawa nila (para sa akin) at naisip ko na lang na gawin na ring parang series at ipopost ko sa Facebook. Well, nagustuhan naman ng iba at sana nga ay naaliw sila. Honestly, I write Dormerrs as a means of expression. Dito ko kasi bine-vent off ang asar at what ifs na napi-feel ko sa taong ito. Since hindi na rin kami friends sa mga social netwroking sites (FB, Twitter at Tumblr),malaya na akong gawan siya ng istorya. Gusto niya ng attention, well, I give him one. At least, by writing this one, nakakalimutan ko na rin ang mga nangyari at everything becomes caged in this fictional world na. Nasa ikaanim na bahagi na ang series at nakasulat ito sa Hiligaynon. Hay, sana masustain ko ito.
2. Finishing The House of the Spirits. Nakakawindang ang nobela ni Isabel Allende. Pagkatapos basahin ang Eva Luna, sinuong ko naman ang mundo ng Pamilya Trueba at nakiisa sa kanilang mala-epiko at pantastikong pakikipagsapalaran sa buhay sa nobelang The House of the Spirits. Ewan ko ba, para kasing telenovela ang treatment ko in reading the novel so I got to finish it in two months. Wow. Although at times I got lost in the story, somehow I was able to survive every chapter. Subversive ang nobela at historically medyo similar din kasi sa nangyari sa Pilipinas. Although may mga gory scenes na parang hindi ko magawang basahin, talagang vivid ang details at description sa novel especially replete siya with metaphors and unexpected twists. Ngayon, paborito ko nang author si Isabel Allende.
3. Reading The Perks of Being a Wallflower. Okey, I'm officially a Stephen Chbosky fan! As far as I can remember, this is the second book which made me shed real tears (ang una yung The Kite Runner ni Khaleid Hosseini.) As in. Ayoko nang mag-explain about how amazing and heart-renting (for me lang ha) this book is. I just recommend it na lang na basahin niyo. Sobrang nakarelate ako sa book minus the LSD and the chain-smoking and the pot session kasi hindi ko naman naexperience yun during high school. But the gist of the story is, kelangan nating marealize that despite all the shit that happens in our life, the circumstances that unfold brought about by our own choices, in the end, the people whom we can really hold on to are our family and friends. Twice ko nang binabasa ang book na ito especially yung epilogue, As usual, umiiyak pa rin ako. As a proof of how hooked I am on the Perks, I downloaded the songs included in the mix tape. Ang ganda ng mga songs. At of course, I have the books din na binabasa ni Charlie, like The Great Gatsby at The Fountainhead. Ok, I consider myself a Wallflower. And I'm enjoying the perks of being one.
Boring ng life ko (hehehe.joke lang) and I'm looking forward for great things to unfold this coming days. But still, I'm grateful that despite the wayward journey, the roller-coaster ride (yak cliche), I'm keeping the faith that things will happen for the best. At the end of the day, wish ko na when this crisis is over, I could paint a smile, well, even crease my forehead, and ask--"What the fuck just had happened?"
No comments:
Post a Comment