Friday, September 11, 2009

Pagninilay sa Nagdaang Linggo

Isang masayang sorpresa sa akin ang pagpasok ng linggong ito. Dumating kasi ang isa kong barkada galing Bacolod. Si Jing. Noong Linggo pumunta ako sa bahay nina Peacock at doo'y sinorpresa ako. Basta maligaya ako nang nalaman kong dumating siya at pakiramdam ko, parang bumalik ang alaala ng Bacolod, kasi ang mga naging kaibigan ko noong nandoon pa ako ay nandito. Ngunit mayroong hindi mabuting balita sa kabila ng pagdating ni Jing. Aalis kasi si Peacock papuntang Passi sapagkat doon siya inasayn. Hay, ang buhay nga naman. Kapag may dumarating, mayroong nagpapaalam. Wrong timing talaga. Ayun, walaang matulugan si Jing kasi hindi naman siya puwedeng tumuloy sa warehouse nila Teresa kasi bawal. Kaya naisipan na lang niyang bumalik ng Bacolod kinabukasan. Ewan ko ba, sa kabila ng mabilis na pagkikita, parang buo pa rin. Doon kasi kami natulog sa bahay ni Peacock. Wala naman kasing pasok kinabukasan.

Nakakalimutan ko nang magsimba. Dalawang Linggo nang hindi ako nagsisimba. Ewan ko ba. Parang wala akong drive. Marahil hindi din naman nasusukat ang pagkatao ng isang tao kung ilang ulit man siyang pumasok ng simbahan. Pero sabi nila, isang tungkulin ng mabuting Kristiyano ang magsimba. Siguro nga. Pero bakit may ilang nagsisimba na kapag nasa bahay na e parang hindi nakakakilala ng Diyos? Pakiramdam ko ngayon nakikipaghilahan ako sa pagitan ng makamundong bagay at ispirituwal na pangangailangan. Ngayon, mas binibigyan ko kasi ng halaga ang personal na kasiyahan kesa unahin ang tungkulin ko bilang isang Kristiyano. Hindi ko alam kung tama ito o mali. Ganunpaman nasa akin pa rin ang pasya at kontrol. Hindi naman siguro ako pababayaan ng nasa Itaas, ganung malakas ang kapit ko sa Kaniya kahit pa hindi ako nagpapakita sa simbahan. Alam naman niyang sa puso at kaluluwa, siya pa rin ang higit na binibigyan ko ng halaga.

Resulta kaya ito ng hindi ko pagsimba? Pakiramdam ko ang bigat ng aking pinapasan lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa paaralan. Ayokong mag-isip...

No comments:

Post a Comment