Sunday, October 17, 2010

Closet Homo(phobic)

"Once again, you're closet homophobia seeps to the surface like the contents for a cracked cesspool."-Kurt Hummel


Katatapos ko lamang mapanood ang bagong episode ng Glee na "Duets."  Ang maganda sa TV series na ito ay siksik ito sa mga kaalaman at katotohanang ipinapahatid hindi lamang sa mga kabataan kundi sa lipunan din.  Mga issues tungkol sa paaralan, pagkakaibigan, pamilya, at maging ang gender ay tinatalakay ng series na ito, maliban sa mga musical numbers na nakakaaliw.  Habang pinapanood ang Glee, there was this particular storyline kung saan inaalok ni Kurt, ang baklang kasapi ng New Directions, si Sam, ang pinakabago naman nitong member na magkasama sila sa duet, sa pag-aakalang bakla rin ito.

Personally, I don't have an issue with Kurt asserting his sexuality onto Sam. Ang tumatak lamang sa akin ay kung paano ito tinutulan ni Finn na sa simula pa lang ay nagkaroon na rin ng sagutan kay Kurt kung saan sinabihan niya ito na bakla noon.  Sa madaling salita, homophobic si Finn.  But then again, hindi ito review ng Glee episode. Ito ay blog entry para sa sarili kong pananaw tungkol sa issue na ni-raise ng TV series.

Matagal ko na ring pinag-isipan kung paano sulatin ang sanaysay regarding homophobia.  Kasi naman lately I had bouts with questions regarding one's gender, particularly sa isang taong nakilala ko. Sa totoo lang, madali kong matanggap ang mga taong nakikipagkaibigan sa akin.  I'm not saying na perpekto akong tao. Kasama sa pagtanggap ng mga kaibigan ay ang hindi maiiwasang pagdya-judge ko sa kanila kung minsan.  Para sa akin kasi, mahalaga ang tiwala at katapatan sa pagkakaibigan.  Kaya siguro kaunti lang talaga ang matuturing kong mga totoong kaibigan. And honestly hindi talaga ako lubusang nagtitiwala sa mga taong nakikipagkaibigan through any social networking sites like Facebook at Twitter.  So iyon nga, out of the blue, ininvite niya ako sa FB, sa Twitter, at sa Tumblr. Hindi naman siya totally stranger, since iisang school at college lang naman ang pinapasukan namin. Pero ang strange lang dun, ay matagal na niya pala akong kilala (oo naman kasi teacher ako) at planong kausapin kaya lang nahihiya siya kasi palagi daw akong yumuyuko kapag naglalakad.

And days went by na finafollow namin ang tweets ng isa't isa at minsan nagchachat sa Facebook. I almost thought nakahanap ako ng bagong kaibigan sa kabila ng kanyang pagtatanong ng ilang personal questions gaya ng magkano ang salary ko, atbp. And things began to get annoying na to the point na kahit ang kanyang intention ay parang kinekwestiyon ko na.  Para kasing maski personal kong buhay ay tila pinanghihimasukan na, na sa lahat ng bagay, ay ikinagagalit ko.   Doon nga nagsimula ang aking pagdududa sa kanyang katapatan sa pagkakaibigan sa akin.  Maging ang pagdududa ko sa kanyang gender.  Sa unang pagkakataon, nasagi sa isipan ko ang ganoong katanungan.  I really don't mind if my friends are straight or gays, pero sa kasong ito, I had this dire desire na alamin ang totoong siya, considering sa mga sinasabi at ipinapakita niya sa akin.  Sa madaling salita, tinanggihan ko siya. Number one, nagtatanong siya ng mga tanong na kahit mga magulang ko ay hindi itinatanong sa akin.Number two, sabi niya, kailangan niya ng aking attention (goodness, sarili ko nga hindi ko mabigyan ng attention, siya pa?). Number three, siya'y isang student (and asking questions apart from    academic queries seems off para sa akin).

Challenge para aking ang sitwasyon lalung lalo na kapag trust and honesty ang pinag-uusapan.  Wala namang ginawang offensive ang tao kaya lang mayroon talagang hostility akong nararamdaman.  Siguro it came too fast at talagang hindi ko siya kilala.  I may blew things out of proportion and posed myself as a total badass, pero may mali na hindi ko matantiya.  To cut the story short, I eventually found out na gay pala siya. Siguro ako na ang huling tao na nakaalam nun, dahil wala din naman akong pakialam.   That's what they said na kahit papano nagconfirm din ng hinala ko.  I could have been his friend kung naging honest lang siya. Not bluntly naman na sasabihin niya na bakla siya, pero kahit paano naclear naman ang doubts ko sa intention niya (which totally I wouldn't buy).  Sa ngayon, wala.  Tuloy ang buhay.  I have nothing against that person.  He could be my friend for all I care.  At lesson na din ito sa akin.  Hindi naman talaga gender o homophobia ang issue dito.  Simple lang. Lahat ay posible kong maging kaibigan.  Pero ang totoong pagkakaibigan, hindi pinipilit ang tiwala at katapatan.  Ipinapakita ito sa lahat ng pagkakataon. Sa poetry at fiction nga, "show don't tell."

Sa wakas, naisulat ko na rin.

No comments:

Post a Comment